Kung ikaw ay nasa isang sakuna o emergency, gumawa ng mga hakbang upang maiwasan ang pagkakasakit mula sa hindi ligtas na pagkain. Ang mga pagkaing naka-refrigerator o naka-freeze ay maaaring hindi ligtas kainin pagkatapos mawalan ng kuryente. Ang pagkaing maaaring nadikitan ng tubig-baha o tubig-ulan ay maaari ring hindi ligtas kainin.
Maghanda para sa mga emergency
- Ilagay ang mga thermometer ng appliance sa iyong refrigerator at freezer. Ang refrigerator ay dapat nasa 40°F o mas mababa pa. Ang freezer ay dapat nasa 0°F o mas mababa pa.
- I-freeze ang mga lalagyan ng tubig at mga gel pack upang makatulong na mapanatili ang pagkain sa 40°F o mas mababa pa.
- Maghanda ng cooler at frozen gel packs kung sakaling kailanganin mong alisin ang pagkain sa refrigerator para mapanatili itong malamig.
- Bumili ng dry ice o block ice para mapanatiling malamig ang pagkain sa refrigerator kung sa tingin mo ay matagal mawalan ng kuryente.
Mga hakbang na dapat gawin kapag may pagkawala ng kuryente
- Panatilihing nakasara ang mga pinto ng refrigerator at freezer.
- Kung mananatiling nakasara ang mga pinto, mananatiling ligtas ang pagkain nang hanggang: 4 na oras sa refrigerator, 48 oras sa freezer na puno na, at 24 na oras sa freezer na kalahating puno na.
- Kung apat na oras nang walang kuryente, at may available na cooler at yelo, ilagay sa cooler ang mga naka-refrigerate na madaling masirang pagkain. Para mapanatili ang mga ito sa 40°F o mas mababa pa, magdagdag ng yelo o ibang lalagyan ng malamig na tubig tulad ng mga frozen gel packs.

Mga hakbang na dapat gawin pagkatapos ng pagkawala ng kuryente
- Huwag tikman ang pagkain para malaman kung ligtas itong kainin. Kung may pag-aalinlangan, itapon ito.
- Itapon sa iyong refrigerator ang mga pagkaing madaling masira (karne, isda, hiniwang prutas at gulay, itlog, gatas, at mga natirang pagkain) pagkatapos ng 4 na oras na walang kuryente o walang pinagmumulan ng malamig na tubig tulad ng yelo. Itapon ang anumang pagkaing may kakaibang amoy, kulay, o tekstura.
- Kung mayroon kang thermometer para sa appliance sa iyong refrigerator, tingnan kung nasa 40 °F pa rin ito o mas mababa pa.
- Suriin ang temperatura ng pagkaing nakaimbak sa mga cooler o sa iyong refrigerator gamit ang karagdagang lalagyan ng malamig na tubig. Itapon ang pagkaing natunaw na o higit sa 40°.
- Maaari mong ligtas na i-refreeze o lutuin ang natunaw na frozen na pagkain na naglalaman pa rin ng mga kristal ng yelo o nasa 40 °F o mas mababa pa.
Mapagkukunan
Tingnan ito Tsart ng FoodSafety.gov para sa listahan ng mga pagkaing dapat mong itapon at mga pagkaing maaari mong i-freeze muli.
Pinagmulan: CDC